JOURNAL

likutan, galingan, matuto..

  • HOME - JOURNAL - PHOTOS - PORTFOLIO
  • PROFILES - NEWS/EVENTS - RECIPES
  • Sunday, May 21, 2006

    shanke ring kang kang dubi dek dok.

    May kayang gawin si Pedro na hindi kayang gawin ni Juan. May kayang gawin si Juan na hindi kayang gawin ni Pedro. Ikaw sino ka ba?...

    MATALINO KA SA ALAM MO,
    PERO BOBO KA SA HINDI MO ALAM.
    SINDIHAN MO!! ANG IYONG KAMALAYAN..
    IKAW AY UMALIS!! DIYAN SA SOSYALAN...
    KALIMUTAN MO'NG LAHAT!! NG SINASABI NILA..
    IKA'Y MAGING BALIW, MATALINO, MALIKHAIN, MAGANDA..
    MAGPATULOY KA KAIBIGAN!
    LAKBAYIN ANG KAWALAN..
    SAPAGKAT KAHIT IKA'Y MAKAWALA...

    HINDI PA RIN MALAYA.

    Wednesday, February 15, 2006

    RAUL and CORAZON acoustic. LIVE!

    Kahit batas ay may pahinga.
    Napapagod din sa hindi nila problema.
    darating ang araw, hindi na sila pupunta,
    kawawa ang susunod na kabanata.

    Image hosting by Photobucket

    maaari bang tayo naman ang magpahinga?
    sa nakakapagod na parusa?
    na dala ng pagkagat sa bunga ng kasalanan.
    tugilan na natin ang kasamaan..

    kapayapaan!

    Monday, January 09, 2006

    AHON!

    Pilipinas unite:
    dahil aalis na tayo sa lusak.
    at tutungo sa lupaing pangako.
    Image hosted by Photobucket.com
    gaano kaganda, gaano kasarap kaysa dati.
    ang tao at ang Ama!
    makita ang pagsasanib ng lahat ng pilipino!
    nahulaan na ito! ngayon tuparin natin!

    tayo ang anak ng kayumangging lahi
    kaya!

    PILIPINAS unite!

    dahil gusto nang umuwi ng mga bata.
    ng mga natibong bata.

    magkaisa para sa mga bata.

    sa mga batang pango

    sa mga batang kayumanggi

    sapagkat kanila ang lupa.

    kanila ang pilipinas

    PILIPINAS unite!!

    Sunday, January 08, 2006

    day! may bumibili!

    Nakita ko'ng problema at ang ilaw.
    may bagay na pagmamahal, kailangang palaguin.
    walang panganib, di pwedeng lumayo.
    magsimulang maniwala kung ano tayo bukas - grasa ang salita.
    Image hosted by Photobucket.com
    lumalaking sakit daw ang pag-ibig natin
    bakit hindi nila maintindihan?
    sinungaling ang mga labi nila. umiiyak na kahihiyan.
    ang totoo ay totoo, itigil na ang away ngayon.
    dapat tayong maging ang mararamdaman natin - grasa ang salita.

    grasa ang salita, ang salitang narinig mo.
    may indak, may kahulugan.
    grasa ang oras, ang lugar, ang galaw.
    grasa ang nararamdaman natin.

    inako ang bigat, at itinapon ang pagiging masinop, sa kahapon.
    walang puwang na lumayo.
    magsimulang maniwala kung ano tayo bukas - grasa ang salita.

    Monday, December 19, 2005

    EDWARD SCISSORHANDS.

    Wake up and turn me loose
    Wake up and turn me loose
    Wake up and turn me loose
    For the rain is falling

    Got to have kaya now
    Got to have kaya now
    Got to have kaya now
    For the rain is falling

    I'm so high,
    I even touch the sky
    Above the falling rain
    I feel so good in my neighbourhood,
    so Here I come again

    Feelin' irie I
    Feelin' irie I
    Feelin' irie I
    'Cause I have some kaya now

    SELLING THE DRAMA.

    pangginaw na ang kailangan,
    sa malamig na simoy.
    walang ano man,
    sa matapang na amoy.

    ikaw ang may gawa,
    sa hinaharap na kapalaran.
    at ang nagpapatakbo,
    sayong kalungkutan.

    Image hosted by Photobucket.com

    lumalakad ka sa may bubog,
    reklamo naman ang sayo.
    kung may kahihinatnan man,
    sigurado akong may kabaligtaran.

    wag mong ibenta ang istorya.
    ikaw din ang kawawa.
    sa lahat ng iyong problema,
    ikaw lang ang may kaya.

    wag mong ibenta sa iba,

    sayo lang yan.

    drama ng buhay mo yan.

    walang bibili nyan.

    Saturday, December 17, 2005

    bugtong bugtong:maanghang na korean vegetable food..

    Bilugan ang mata,
    may alambre sa ngipin.
    mapula ang balat,
    katamtaman sa paningin.

    Friday, December 16, 2005

    TUMATANGANG TANGA.

    Pumuntos ka na ba?
    bakit ganyan ka pumorma?
    siguro tanga ka.
    oo tanga ka nga.

    di naman sya masyadong tuliro.
    totoo noh! kahit hanggang nung 'sang linggo
    kasi naman bakit pa may mga sinilang
    na anghel sa may kambingan.

    Yan na nga umamin na.
    nahulog sya talaga..
    alam ni happy yun.
    naaabala nga sya.

    haha.
    Image hosted by Photobucket.com